Will Smith, na-‘elib’ sa beatboxing twins sa Cebu

Napahangga ng beatboxing twins ng Cebu ang Hollywood aktor na si Will Smith.

ito ay matapos mapanood ni Will ang beatbox cover nina Joemar at Jake Canencia sa “Animals” ni Martin Garrix.

Ibinahagi pa ni Will sa kanyang Instagram ang video ng kambal na may caption na: “Before the internet people would just be good at something like this and nobody would know—Tragedy! Shoutout Joemar & Jake…this is spectacular!”


Sa ngayon, mayroon nang mahigit 7.6 milyon ang naturang video ng magkapatid na pangarap na maging DJ at magkaroon ng sarili nilang studio.

Facebook Comments