Will Smith, nag-sorry kay Chris Rock sa insidenteng nangyari sa 94th Oscar Awards

Nag-public apology na ang hollywood actor na si Will Smith sa komendyanteng si Chris Rock at sa mga miyembro ng Academy of Motion Picture Arts and Science (AMPAS) kasunod ng ‘slapping incident’ sa 94th Oscar Awards sa Los Angeles, California.

Sa kanyang Instagram post, aminado si Smith na hindi katanggap-tanggap at hindi makatwiran ang inasal niya sa Academy Awards.

Aniya, ang mga biro tungkol sa kanya ay maituturing niyang bahagi ng kanyang trabaho pero ang biro tungkol sa kondisyong medikal ng asawa niyang si Jada Pinkett Smith ay napakahirap para sa kanya.


Bukod kay Chris Rock, nag-sorry din si Smith sa Oscar Academy, sa kanyang Williams at King Richard Family ng pinagbidahan niyang pelikula.

Kahapon, matatandaang nag-trending worldwide ang ginawang pananampal ni Smith kay Rock matapos itong magbiro tungkol sa pagiging kalbo ni Jada.

 

Si Jada ay mayroong alopecia, isang kondisyon na nagreresulta ng pagkalagas ng buhok at pagkakaroon ng bald spot sa ulo, bagay na hindi umano alam ni Rock.

Facebook Comments