Willie Revillame, isa sa nakikita ni Pangulong Duterte na maging pangulo balang araw

164

Nakikita ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang TV host na si Willie Revillame ay may potensyal na maging pangulo ng bansa balang araw.

Ito ang sinabi ng pangulo matapos hikayatin si Kuya Will sa tumakbo sa pagkasenador sa 2022 elections.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, napanood niya ang video greeting ng Pangulo.

Sinabi aniya ni Pangulong Duterte doon na maaaring maging presidente si Revillame.

Matatandaang sa video greeting na sinabi ni Pangulong Duterte na bukas ang “slot” para kay Revillame.

Facebook Comments