WINAKASAN | DepEd, tinapos na ang 2 kasunduan nito sa Rappler

Manila, Philippines – Winakasan na ng Department of Education (DepEd) ang dalawang kasunduan nito sa online news site na Rappler.

Kabilang sa mga kasunduan ay tungkol sa disaster preparedness habang ang isa ay ang pagsusulong ng campus journalism.

Natanggap na ng Rappler ang kopya ng letter of termination na pinirmahan na ni Education Secretary Leonor Briones.


Kinansela ang mga kasunduan, isang linggo bago ang nakatakdang National Schools Press Conference (NSPC) mula Pebrero 19 hanggang 23 sa Dumaguete City.

Sa ilalim ng kasunduan, magbibigay ang Rappler ng mga resources sa NSPC na itinuturing na pinakamalaking journalism event sa buong bansa.

Sa sulat naman na inilabas ng Rappler, ikinalulungkot nila ang desisyon ng DepEd pero patuloy silang magkikipagtulugan sa ilang student groups at eskwelahan.

Matatandaang kinansela ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang lisensya ng Rappler na makapag-operate dahil sa paglabag sa foreign equity restrictions sa mass media.

Facebook Comments