WINAKASAN | Diplomatic relations ng Dominican Republic sa Taiwan – pinutol na

Tuluyan nang pinutol ng Dominican Republic ang kanilang ugnayan sa gobyerno ng Taiwan.

Sa isang ceremony, lumagda ng kasunduan ang Dominican Republic kasama si Chinese Foreign Minister Wang Yi kung saan pormal nilang tinatapos ang kanilang relasyon sa Taipei.

Ikinagalit ito ng Taiwan kung saan ipinagpalit lamang daw ng Dominican Republic ang kanilang long-term partnership sa umano ay false promises ng Beijing.


Nabatid na mayroong alitan ang China at Taiwan na nag umpisa noon pang 1949 matapos magtagumpay ang mga komunista sa mainland kasunod ng isang civil war

Facebook Comments