WINALIS SA KALSADA | 1,185 na bulok na sasakyan, huli

Manila, Philippines – Nasa 1,185 na bulok na sasakyan ang winalis sa kalsada ng Inter-Agency Council on Traffic (i-ACT) mula nang ipatupad ang “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” mula January 8 hanggang January 30.

Ayon kay Elmer Argano, pinuno ng i-ACT Communications and Administrative Services, mula sa naturang bilang, 75% ay mga Public Utility Jeepney (PUJ) na may dispalinghadong ilaw, kalbong gulong, at walang hand brake.

Nasa 1,098 na pasahero naman na stranded ang naserbisyuhan nila ng libreng sakay bunsod sa shortage ng PUJ.


Aniya, ang mga hinuling sasakyan ay inimpound habang ang ilan ay sinilbihan ng subpoena.

Muling pinaalala ni Argano na hindi na dapat makipagmatigasan ang mga driver at operators sa halip ay isaayos na ang kanilang mga sasakyan para muling makabalik sa kalsada.

Facebook Comments