WINASAK | Higit 320,000 pakete ng mga nakumpiskang Mighty cigarettes, sinira

Sinira ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang karagdagan pang 320,440 pakete ng nakumpiskang Mighty cigarettes sa planta ng HOLCIM Philippines Inc., sa Lugait, Misamis Oriental.

Ayon kay BIR Large Taxpayers Service Assistant Commissioner Teresita Dizon, ang pagsunog sa Mighty cigarettes ay pangatlo na sa loob lamang ng 10 buwan.

Bukod sa mga winasak na sigarilyo sa Misamis Oriental may nauna nang 9,347 master cases ng Mighty cigarettes ang sinira noong nakalipas na taon sa planta ng HOLCIM sa Davao.


Ang malaking bulto ng nasamsam na sigarilyo na abot sa 229,428 master cases ay sinunog din nitong taon sa Norzagaray, Bulacan.

Ang lahat ng sinunog na sigarilyo ay mayroong aggregate attached excise tax na abot sa P9 Billion, bahagi ng P30 Billion tax na pinakamalaking single tax collection na nagawa ng BIR.

Sinabi pa ni Dizon, ang mga kontrabando ay nakumpiska sa hiwalay na operasyon sa San Simon, Pampanga, San Ildefonso, Bulacan, Tacloban City at General Santos City matapos madiskubre ang mga fake na internal revenue stamp taxes.

Patunay ito na hindi nagbayad ng excise taxes ang kumpanya sa BIR.

Facebook Comments