WINASAK | P2.5 billion na halaga ng iba’t ibang iligal na droga, sinira ng PDEA sa Cavite

Cavite – Nasa 2.5 billion pesos na halaga ng iba’t ibang iligal na droga ang sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cavite.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang nasa 1,012.4 kilograms na ibat ibang illegal drugs ay iniutos ng mga korte na sirain matapos na magamit na ebidensya sa mga drug cases sa Caloocan, Las Piñas, Mandaluyong, Manila, Marikina, Navotas, Pasig, at Valenzuela

Kabilang sa mga sinunog sa pamamagitan ng thermal decomposition machine Ay methamphetamine hydrochloride, or shabu, marijuana, ephedrine, cocaine, toluene, chloromethamphetamine hydrochloride, at mga expired medicines .


Ito na ang ika apat na pagsira ng PDEA sa nasasamsam na mga illegal na droga. Unang sinunog ang nasa 9 billion na illegal drugs noong nakalipas na anim na buwan.

Facebook Comments