WINASAK | Pagsira sa panibagong batch ng luxury vehicles, pinangunahan ni PRRD

Cagayan – Sa ikalawang pagkakataon ay pinanguhan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsira sa mga illegally imported na mga sasakyan sa Port Irene, Sta. Ana, Cagayan.

Aabot sa 68 luxury vehicles ang sinira kasama na ang Lamborghini, Porsche, BMW at walong mamahaling motorsiklo.

Sa kabuuan ay nagkakahala ang mga ito ng mahigit kumulang 300 milyong piso.


Sabi pa ng Pangulo, magsilbi sana itong babala sa mga smuggler at isa rin aniya itong pagpapakita na walang puwang sa ilalim ng kanyang administrasyon ang korapsyon.

Ang mga naturang sasakyan ay kabilang sa 855 na mga kontrabando na iligal na in-import sa bansa na naharang naman ng Cagayan Economic Zone Authority o CEZA.

Matatandaang nitong Marso ay sinira rin ang 14 sa mga ito na nagkakahalaga naman ng 28 milyong piso.

Ayon sa CEZA, bahagyang naantala ang pagsira sa mga ito dahil sa ilang usaping ligal.

Pag-uusapan pa nina Pangulong Duterte at ng CEZA kung sisirain o ipamimigay na lang sa mga law enforcement agency ang mga natitira pang illegally imported vehicles.

Facebook Comments