Manila, Philippines – Personal na pinanuod ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsira sa 20 luxury cars na nasabat ng Bureau of Customs (BOC).
Nagkakahalaga ng 61.6 million pesos ang mga sasakyan na pinadaanan sa buldozer.
Kabilang sa mga sasakyang sinira ay used na Corvette stingray, BMW Z4, Jaguar type S, Audi A6 Cuatro, 2 units ng Pajero, Ford explorer at Mazda Miata MX5.
Bukod sa 20 luxury cars dito sa Port of Manila ay mayroon ding dinurog na 3 luxury cars sa Port of Cebu at 7 sa Port of Davao.
Sa isang interview kay Finance Secretary Sonny Dominguez hindi ito ang huling agkakataon na dudurugin ng pamahalaan ang mga smuggled luxury cars dahil 1st batch palang ito.
Hindi naman sinabi ni Dominguez kung kailan ang susunod na batch.
Hindi din naman aniya ito ang unang pagkakataon na may sinira ang pamahalaan na mga smuggled items dahil nanuna nang sirain ng gobyerno dahil una nang sinunog ng BOC ang mahigit 100 milyong pisong halaga ng sigarilyo na walang tax stamps.
Kapansinpansin din naman na walang mga emblem o logo ang mga sinirang sasakyan na senyales na bago pa sirain ang mga ito ay nakuha na ang ilang parte nito na maaaring maibenta.