Pinahinto na rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga ipinatutupad na window hours ng ilang bayan sa Batangas na apektado ng pag aalburuto ng Bulkang Taal.
Sa ngayon kasi pinapayagan ang mga residente na bumalik sa kanilang bahay sa loob ng ilang oras pero babalik din sila sa evacuation center o ligtas na lugar.
Sa Press Conference ng DILG at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dito sa Camp Crame iginiit ni Secretary Eduardo Año na dapat maging istrikto sa mga panuntunan dahil malaki pa rin ang posibilidad na pagsabog ang bulkan.
Hindi na aniya mauulit na pagbibigyan makabalik sa kanilang mga bahay ang mga evacuees.
Matatandaang apat na oras pinapayagan ng mga awtoridad ang mga residente ng Tanauan, Agoncillo, Talisay, at San Nicholas na umuwi sa kanilang bahay para kunin ang mga alagang hayop at iba pang kagamitan.