Window hours sa mga mangingisda sa Taal Lake, pinaiiral pa rin

Pinapayagan pa rin ang mga residenteng pumapalaot sa Taal Lake alinsunod sa ‘window hours’ na binigay sa kanila mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon.

Ito ay para humango o ‘di kaya naman ay magpakain ng mga alagang isda sa kani-kanilang ‘fish cage’ sa lawa.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nasa 5,100 residente ang nangangalaga sa mahigit 6,300 fish cages sa Taal Lake kung saan produksyon ng mga isda dito ay bangus at tilapia.


Tuluy-tuloy rin ang pagtulong ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagsasagawa ng transport mission, relief operation, at sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa mga evacuation center.

Facebook Comments