Ipinagpaliban ang Windsurfing Competition ng 30th Southeast Asian (SEA) Games sa Subic, Zambales.
Ito ay bunsod ng nararanasang masungit na panahon dulot ng typhoon “Tisoy.”
Ayon kay Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Senior Deputy Administrator for Support Services Ramon Agregado, itutuloy ang kompetisyon oras na maging maayos ang lagay ng panahon sa Subic Bay Yacht Club.
Sa abiso ng Pagasa, posibleg mag-landfall sa bahagi ng Bicol Region ang bagyo sa pagitan ng Lunes ng gabi o Martes ng madaling-araw.
Facebook Comments