WINE MAKING TRAINING SA MGA NASA ILALIM NG COMMUNITY-BASED DRUG REHABILITATION PROGRAM, ATING ALAMIN

Nagsagawa kamakailan ng Wine Making Training ang LGU Calasiao katuwang ang PNP Calasiao para sa mga nasa ilalim ng Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) sa Quinit-Eco Integrated Farm.
Ang pagsasanay na ito ay naglalayong bigyang oportunidad sa pangkabuhayang sektor ang CBDRB upang sila ay magkaroon ng pagkakaabalahan at posibleng pagkakakitaan.
Sa ganitong klase ng aktibidad, mabibigyan sila ng ng tyansa na magkaroon ng kaalaman sa paggawa ng alak at maimulat sa posibleng oportunidad na pwedeng maging panimula ng kanilang buhay.

Layunin ng aktibidad ng mabigyan ng magandang buhay at kabuhayan ang mga nasa ilalim ng CBDRP sa pangalawang pagkakataon. |ifmnews
Facebook Comments