Winners ng Bisekletrabaho Year 3 Promo ng RMN DZXL 558 Radyo Trabaho, makukuha na ang kanilang premyo!

Personal na ihahatid ngayong araw ng Radyo Trabaho team ang bisikeletang napanalunan ng ating maswerteng winner sa “Bisekletrabaho Year 3 Promo: Anibersaryong handog ng RMN DZXL 558 Radyo Trabaho.”

Unang pupuntahan ng team ay ang 24-anyos na si Sarah Mae Santiago ng Balintawak, Quezon City.

Si Sarah ay sumali sa pamamagitan ng online kung saan nag-comment lamang ito sa ating official Facebook post.


Sunod na pupuntahan ay si Cristina Caridad, 31-anyos ng Bagumbong, North Caloocan.

Si Cristina naman ay sumali sa pamamagitan ng pagtawag sa ating hotline number.

Bukas ihahatid ng Radyo Trabaho team sa ating on-ground winner na si Alberto Acosta, 38 years ol, ng Barangay Wawa, Taguig City ang kanyang napanalunan bisekleta.

Samantala, extended ang Bisekletrabaho Year 3 Promo! Pasok pa rin sa raffle ang mga naunang nabigyan ng coupon sa pag-iikot ng Radyo Trabaho team sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila.

Pwede rin sumali sa aming RMN DZXL 558 Manila Facebook page at tumawag sa 8-882-2374 hotline at sagutin lamang ang tanong na “bakit kayo ang dapat manalo ng bisekleta?”

Ito ay maagang pamasko handog ng DZXL 558 Radyo Trabaho at ni former Speaker at Taguig-Pateros Rep. Alan peter Cayetano at ng ACS Manufacturing Corporation.

Facebook Comments