WINTER STORM ELEANOR | Pinsalang iniwan ng winter storm sa The Netherlands, aabot sa 10 million euros

The Netherlands – Aabot na sa 10-million euros o 12-million dollars ang halaga ng pinsalang iniwan ng winter storm Eleanor sa The Netherlands.

Patuloy namang nakasailalim sa orange alert ang northern coast ng Spain dahil sa matataas na hampas ng alon na dulot ng malakas na hangin.

Samantala, nasa 29,000 bahay sa France pa rin ang walang kuryente kung saan karamihan ay sa bayan ng Corsica at isinailalim na sa maximum avalanche alert ang French Alps.


Apat naman ang naitalang nasawi sa pananalasa ng winter storm Eleanor sa Northern Europe kabilang ang isang skier sa French Alps habang 15 iba pa ang sugatan kung saan 4 dito ang nasa kritikal na kondisyon.

Facebook Comments