Winwyn Marquez, kinoronahan bilang Reina Hispanoamericana 2017

Manila, Philippines – Isa na namang korona ang naiuwi ng Pilipinas!

Ito ay matapos na koronahan din bilang “Reina Hispanoamericana 2017” ang pambato ng bansa na si Winwyn Marquez.

Wagi ang Pinay beauty queen nang pahangain niya ang mga hurado sa question and answer portion ng beauty pageant na ginanap sa Bolivia kung saan tinanong siya kung paano ipo-promote ang Hispanic-American Culture nang walang magiging balakid sa lenggwahe niya.


Sagot ni Winwyn, natututunan ang wika pero ang determinasyon na makapag-ambag sa isang organisasyon ay nagmumula sa puso.

Hindi lang naman aniya tungkol sa wika ang hispanic-american culture kundi tungkol din sa pagmamahal sa diyos, sa bansa, kasaysayan, kultura at pamilya.

Si Winwyn ang kauna-unahang Filipina Beauty Queen na lumaban at nanalo sa nasabing pageant.

Facebook Comments