Umalma ang Kapuso actress at beauty queen Winwyn Marquez sa isang netizen na kinuwestiyon ang kanyang mga naitulong ngayong panahon ng krisis.
Ayon sa netizen, kaysa raw puro TikTok ang ginagawa ni Winwyn, bakit daw hindi na lang nito subukang tumulong sa mga kababayan.
“So as a reina hispanoamericana, what did u do to help our fellow filipino citizens? wala. instead of doing Tiktok videos or anything else, try to help 🤗 just a reminder. @wynmarquez,” sabi ng naturang netizen sa Twitter post nito.
Wala? do i need to report kung ano na donate ko & post kung ano pa nabigay ko? Do you even know me personally na nakikita mo ginagawa namin pag di nag popost ng TIKTOK videos?:) thanks for the reminder tho but sana wag tayo assuming & sana nakatulong ka din sa iba. 💜
— Teresita Ssen Marquez (@wynmarquez) March 22, 2020
Hindi ito pinalagpas ng aktres at sinabing, “Wala? do i need to report kung ano na donate ko & post kung ano pa nabigay ko? Do you even know me personally na nakikita mo ginagawa namin pag di nag popost ng TIKTOK videos?:)”
Dagdag pa ni Winwyn, “..thanks for the reminder tho but sana wag tayo assuming & sana nakatulong ka din sa iba. 💜”
Saad naman ng isang netizen, “No need to post but please tama na ang tiktok, nakakahilo na.”
I think I only have two or three on my ig feed.. 🙂 Don't download the app or uninstall the app if nakakahilo na for you. 💜 i understand na not all gusto ang tiktok 🙏
— Teresita Ssen Marquez (@wynmarquez) March 22, 2020
Sagot ni Winwyn, “I think I only have two or three on my ig feed.. 🙂 Don’t download the app or uninstall the app if nakakahilo na for you. Purple heart i understand na not all gusto ang tiktok Folded hands.”
Marami ang agad na nagbigay ng komento sa naturang post online na nagpapakita ng suporta sa aktres.
D lahat na ginagawa na tama kinakalat diba?
Hindi naman kailangan ipa alam sa iba ang mga ginawa mo na tama.— taekook⁷¹²⁷ (@taeggukzx57) March 22, 2020
Gusto yata lahat ng gagawin at pagtulong sa kapawa nakapost, ang pagtulong sa kapwa hindi kelangan ipagmalaki at ipagyabang…
— michael franista (@franistamichael) March 22, 2020
Samantala, naiulat na isa si Winwyn sa lihim na naghahandog ng tulong sa mga charity at organisasyon sa kasalukuyang krisis dulot ng COVID-19.
Mga Kapuso.. please refrain from lying about your travel history, if masama na talaga pakiramdam or if aware kayo na, na expose kayo sa may COVID-19..Sa mga panahon ngayon, kailangan nating magkaisa para labanan ang banta ng COVID-19.
— Teresita Ssen Marquez (@wynmarquez) March 22, 2020
This is so important para maiwasan natin na mahawaan ang mga doctors, nurse and ibang frontline health workers. Please please be honest.. it will help save lives..hindi lang mga health workers, pati na rin ibang mga patients na kailangan nilang bigyan ng attention and care.
— Teresita Ssen Marquez (@wynmarquez) March 22, 2020
Makikita rin sa kanyang social media account ang kanyang mga saloobin tungkol sa mass testing upang matuklasan umano ang mga taong nagdadala ng coronavirus sa bansa.