Patuloy ang pagbabaklas ang Wire Clearing Technical Working Group ng Bayambang ng mga spaghetti wire o mga nakalaylay na kable sa mga pangunahing kalsada.
Patuloy ang operasyon nitong Lunes sa bahagi naman ng Poblacion kung saan tulong-tulong na nag-alis ang BPSO, MDRRMO, Engineering, at mga telecom companies.
Mainam na maisaayos ang mga wire upang maiwasan na maging sanhi ng aksidente o disgrasya sa mga dumaraan.
Matatandaan, na naunang isinagawa ang pagbabaklas sa iba pang bahagi ng kalsada matapos ang kapansin- pansing mabababang wires na posibleng hindi mapansin ng mga residente at motorista. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









