Ipinag-utos na ni US President Joe Biden ang pagpapauwi sa mga sundalong Amerikano mula Afghanistan simula sa Mayo a-uno.
Sa kabila ito ng mga panawagang hayaan munang manatili ang US forces para matiyak ang kapayapaan sa nasabing bansa.
Sa kanyang talumpati sa White House, sinabi ni Biden na panahon na para tuldukan ang pinakamahabang giyera ng Amerika dahil naniniwala siyang napahina na ang teroristang grupong Al-Qaeda sa Afghanistan matapos na mapatay ang lider nilang si Osama bin Laden noong 2011.
Bukas naman ang US sa mga posibleng kritisismo sa pagpapauwi sa mga sundalo.
Itinakda ang withdrawal ng 2,500 US troops hanggang September 11, 2021.
Facebook Comments