Witness Protection Program kay Janet Napoles, tinawag na impunity

Manila, Philippines – Nagbibigay ng negatibong mensahe ang planong pagsasailalim ng Department of Justice kay pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles sa Witness Protection Program (WPP).

Ito ay kasunod ng pahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na kinukumbinsi na si Napoles na pumayag na sumailalim sa WPP para maibulgar nito ang lahat ng nalalaman sa PDAF scam.

Giit ni Albay Rep. Edcel Lagman, hindi naman humihingi si Napoles ng proteksyon kaya bakit pangungunahan ito ni Aguirre.


Para naman kay Magdalo Rep. Gary Alejano, nangangahulugan ito ng impunity o pagbibigay proteksyon sa mga kakampi ng gobyerno.

Tiyak na gagamitin si Napoles sa pulitika para sa personal na interes upang maidiin ang mga kritiko ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Alejano, posibleng sa huli ay palayain si Napoles tulad ng mga dating nakakulong sa iligal na paggamit ng pork barrel scam.

Facebook Comments