Woman Grand Master Janelle Frayna, nasa ikalawang puwesto sa International Chess Tournament sa Indonesia

Indonesia – Nanatiling nasa ikalawang puwesto sa overall standings si Woman Grand Master Janelle Frayna sa JAPFA Woman Grand Master Invitational Closed Tournament sa Solo City sa Indonesia.

May total na 6.5 points ang kauna-unahang Pilipinang WGM ng bansa matapos maitabla ang kaniyang laban sa 10th round ng torneo.

Kailangan maipanalo ni Frayna ang kaniyang huling laban para mapanatili ang pag-asa nito na makuha ang titulo.


Nangunguna pa rin si Woman Grand Master Keti Tsatsalashvili ng Georgia sa torneo sa kaniyang 7.5 points pagkatapos ng 10 rounds.

Facebook Comments