WOMEN’S ASIAN CUP FOOTBALL TOURNAMENT | Philippine Malditas, target ang ikalawang panalo kontra China

Manila, Philippines – Isa na naman higanteng koponan ang makakaharap ng Philippine Malditas sa pagpapatuloy ng kanilang kampanya sa AFC Asian Women’s Cup sa Amman, Jordan.

Makakaharap kasi ng mga Pinay footballer ang China mamayang 9.45 ng gabi (Manila Time) sa King Abdullah Stadium.

Kahit dehado, tiniyak naman ni coach Rabah Benlarbi na bibigyan ng magandang laban ng mga Malditas ang China lalo na’t galing sila sa 2-1 come-from-behind win kontra Jordan noong Biyernes.


Target ng mga Malditas na makarating sa semifinals ng torneo para maselyuhan nila ang pagpasok sa FIFA Women’s World Cup sa France sa susunod na taon.

Facebook Comments