Women’s group, nagsagawa ng Christmas protest upang igiit kay PRRD na isunod na aaksyunan ang mahal na kuryente

Kasunod ng mga upak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pribadong ‘water concessionaires’, nanawagan na rin ang mga grupong kababaihan na tuldukan na rin ng gobyerno ang sobrang mahal at maruming enerhiya sa bansa.

nitong nakaraang Linggo, nagsagawa naman ng kilos protesta ang mga kababaihan upang himukin ang pamahalaan na tuldukan na ang

Bitbit ang tigka-kalahating pagkain na pang-noche buena na kadalasang inihahain ng mga  Pinoy, nagsagawa ng kilos protesta ang Women’s group na Oriang.


Kahilingan nila ngayong pasko kay Pangulong Duterte, huwag nang pahintulutan ang pagtatayo ng maruming enerhiya gaya ng mga ‘coal power plants’ sa bansa.

Ayon kay Oyette Zacate, tagapagasalita ng grupo,ang ibinigay na kalayaan sa pribadong korporasyon ay nagresulta sa pagkakaroon ng maruming sektor sa enerhiya at naging prayoridad pa ang kikitain kesa sa   ipagkakaloob na serbisyo.

Hinikayat naman ni Gerry Arances, Convenor ng Power for People Coalition ang gobyerno na huwag ipaubaya sa pribadong korporasyon at sa halip akuin ang kahihinatnan ng mga ‘bid’ upang matiyak na hindi makasisira sa kalikasan, kalusugan at abot kaya ang halaga ng pamilyang Filipino ang bayarin sa elektrisidad.

Facebook Comments