Women’s Month Kick-off Ceremony, Matagumpay; Ilang Pulis, Binigyan ng Pagkilala

26

Cauayan City, Isabela- Matagumpay na idinaos ang Kick-off ceremony ng Police Regional Office 2 sa pagdiriwang ng National Women’s Month Celebration na may temang “Juana Laban sa Pandemya” para sa buong buwan ng Marso kasabay ng Traditional Monday Flag Raising sa PRO2 Grandstand.

Pinangunahan ang nasabing seremonya ni PRO2 Regional Director Police Brigadier General Crizaldo O Nives at panauhin na si Isabela 4th District Board Member Abegail V. Sable.


Sa kanyang naging talumpati, binigyang diin ni SP Sable na ang ‘women empowerment’ ay nagpapakita lamang ng kahalagahan at pantay na pagtrato sa mga kababaihan.

Ibinahagi rin ng opisyal ang kanyang mga naging karanasan kung saan naipapamalas din ng mga kababaihan ang kanilang husay sa pamamagitan ng pagpapakita ng talento sa iba’t ibang larangan.

Kinilala naman ang ilang pulis na nagpamalas ng kahusayan at dedikasyon sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin lalo na ang pagseserbisyo sa taumbayan.

Facebook Comments