Manila, Philippines – Umapela ang ilang mga kongresista sa mga Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Officials na tigilan na ang “word war”.
Ito ay kaugnay sa banggaan nina PCSO General Manager Alexander Balutan at PCSO Director Sandra Cam na nag-ugat sa magarbong Christmas party ng ahensya at iba pang anomalya na ibinabato ng bawat isa.
Ayon kina AKO BICOL Party List Representative Rodel Batocabe at Quezon City Representative Winston Castelo, dapat na tigilan na nila Balutan at Cam ang kanilang iringan at gampanan na ang mandato na tumulong sa mga nangangailangang kababayan.
Sa halip na magbatuhan ng putik sa isa’t isa ay mag-concentrate na lamang ang mga ito kung papaano dodoble ang kita ng PCSO sa mga susunod na taon.
Kailangan aniyang magtulungan dahil isang collegial body ang PCSO at hindi maipapatupad ang mga polisiya o programa kung walang pag-apruba mula sa board.
Paalala pa ng mga kongresista, cooperation at hindi competition ang kanilang dapat na gawin para maihatid mabigyang serbisyo ang taumbayan.