Word war memes ng 711 at Ministop, ikinatuwa ng cyberworld

Kinaaliwan ngayon ng publiko ang memes ng dalawang sikat na convenience store sa bansa. Sa Facebook post ni Jessa Dumanacal Ducut, makikita ang screenshots ng ilan sa nakatatawang sagupaan ng Seven Eleven –  Marikina at Ministop – Marikina.

Mababasa sa panig ng 711 Marikina ang mga patamang:

  • “Good morning lahat maliban sa Ministop”
  • “Yung isa diyan konti lang ang branch”
  • “Yung mga crew ng Ministop may reward card pa namin”
  • Walang parking lot ang Ministop!!!”

Hindi naman nagdalawang isip ang Ministop sumagot sa mga ‘paratang’:

  • “Staff ng 711 samin bumibili ng chicken”
  • “May upuan nga sa kanila hintayan lang naman ng magjowa pero di bumibili.”
  • Yung tugtog sa loob ng store namin galing Spotify Premium, yung 711 radyo lang yuck.”
  • “Hindi niyo ba napapansin ang mahal ng tubig sa 711?”

Ang mga netizens kanya-kanyang manok kung sino ang mananalo sa word war ng dalawang convenience store.

“Mas mayaman ang 711 kasi may sarili silang pool.”

“Hahaha! One street away lang po kayo.”

Nagchacharge naman kami dun habang nakatambay”

Nagaaway pa mga aircon niyo nga sira”

Umabot na sa mahigit 60,000 likes at shares ang simpleng biruan ng 711 at Ministop.

 

 

Facebook Comments