Inihain ni Senator Imee Marcos ang Senate Bill No. 1448 na layuning amyendahan ang Republic Act No. 11165, o “Telecommuting Act” para maging mandatory ang work from home scheme.
Ayon kay Marcos, kahit matapos na ang COVID-19 pandemic ay hindi na tayo babalik sa normal at magiging bahagi na ng ating buhay sa hinaharap ang social distancing o limitadong physical contact at new hygiene standards.
Paliwanag ni Marcos, sa sitwasyon ngayon ay napatunayan na maaari namang gampanan ng ibang empleyado ang kanilang trabaho kahit sila ay nasa bahay lamang kaya ito ay mainam na panatilihin.
“Itong bill ko sa work from home medyo ambisyosa talaga siya, given our DICT, given our WiFi na napakasaklap eh talagang medyo ambisyosa siya but I think all companies should be compel to think about working from home at tulungan na ‘yung ating mga empleyado na hindi magcommute”.
-Senator Imee Marcos
Bukod kay Marcos, isa din si Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva sa humihikayat sa mga employer na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng work from home arrangement para maproteksyunan ang mga mangagawa laban sa COVID-19.