Inilatag ni Pangulong Bongbong Marcos ang ilang mga opsyon na tinitingnan ng pamahalaan para matugunan ang mabigat na daloy ng trapiko sa bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, isa sa mga tinitingnan nilang remedyo ay ang pagpapatupad ng work from home na ipinatutupad na rin naman ng ilang mga kumpanya at positibo naman ang resulta.
Maaari din aniyang ipatupad ang 4-day work week para hindi mabugbog ang mga empleyado sa trapiko.
Habang sinisilip din ang adjustment sa pagpasok at pag-uwi ng mga empleyado upang maiwasang sumabay sa rush hour.
Giit ng pangulo, marami nang bansa ang nagpapatupad ng mga nasabing hakbangin na maaaring makatulong sa problema sa trapiko ng bansa, lalo na sa Metro Manila.
Facebook Comments