Suportado ni Sen. Joel Villanueva ang panukala ng National Economic Development Authority o NEDA na magpatupad ng alternative work arrangements para tugunan ang pagtaas ng presyo ng langis.
Ayon kay Villanueva, Isa sa pinakamainam na interventions mula sa gobyerno ang implementasyon ng flexible working arrangements na magpapanatili sa productivity ng negosyo habang napoprotektahan ang kapakanan ng manggagawa at nakakatipid sa konsumo ng langis.
Bunsod nito ay muling iginiit ni Villanueva sa Department of Labor and Employment (DOLE) na makipag-ugnayan sa mga negosyo para sa full implementation ng Work from Home Law, na naisabatas noon pang 2018.
Diin ni Villanueva, makabuluhan ang Telecommuting o Work from Home Law bago pa man magkaroon ng pandemya sapagkat isa sa mga pangunahing dahilan sa pagsasabatas nito ang mataas na presyo ng langis.
Bukod dito ay sinuportahan din ni Villanueva ang rekomendasyon ng NEDA para sa four-day workweek para magpatuloy ang ekonomiya sa gitna ng krisis sa langis.