Iginiit ni Senator Risa Hontiveros ang kahalagahan na ipatupad ng mga kompanya ang Work from Home option para sa kanilang mga empleyado.
Mungkahi ito ni Hontiveros, makaraang umakyat na sa lima ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan isa dito ay maituturing na local transmission.
Paliwanag ni Hontiveros, mas makakaiwas sa pagkahawa sa COVID-19 ang mga empleyado kung hindi sila araw araw babyahe at pupunta sa opisina.
Pinapatiyak din ni Hontiveros sa mga employers na may running water, sabon, sanitizer at mask kung kinakailangan sa kanilang mga establisyemento.
Pinayuhan naman ni Hontiveros ang mga nasa frontline at service sector na magdoble ingat.
Facebook Comments