Work from home scheme, inihirit ng isang senador para proteksunan ang mga empleyado laban sa nCoV

Iginiit ni Senator Risa Hontiveros sa pribadong sektor na ipatupad ang ‘work from home scheme’ para sa mga empleyado na maaring tuparin ang kanilang trabaho kahit sila ay nasa bahay o hindi na magpunta sa opisina.

Ang ‘work from home scheme’ ay isa sa nakikitang paraan ni Hontiveros para proteksyunan ang empleyado laban sa pinangangambahang pagkalat sa 2019 novel coronavirus o nCoV.

Ipinaliwanag ni Hontiveros na mas mapapangalagaan ang kalusugan ng mga empleyado kung hindi sila araw-araw babyahe at hahalo sa maraming tao.


Bukod dito ay pinapatiyak din ni Senator Hontiveros sa mga employers na mayroon silang mga hakbang para mapanatili ang kalinisan sa kanilang mga tanggapan laban sa mga sakit tulad ng pagtiyak sa suplay ng running water, sabon, alcohol at hand sanitizer.

Bukod kay Hontiveros, ay nauna ng isinulong ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva ang ‘work from home scheme’ laban sa nCoV.

Facebook Comments