Ito ay kasunod ng paglalabas ng Executive Order No. 2026-015, Series of 2026 noong Marso 23, 2026 na naglalayong makatipid sa konsumo ng kuryente at gasolina.
Saklaw ng direktiba ang lahat ng tanggapan, barangay, at pasilidad ng LGU.
Sa ilalim ng kautusan, kasabay ng ipinapatupad na compressed workweek ay papayagan din ang work-from-home scheme basta’t mabubuo ang 40-oras na workweek at hindi maaantala ang frontline services ng LGU.
Bukod dito, nililimitahan din ang pagdaraos ng mga aktibidad tulad ng pista at anibersaryo bilang bahagi ng pagtitipid sa enerhiya.
Samantala, pamamahalaan ang implementasyon ng naturang direktiba ng Energy Conservation Management Committee (ECMC) upang matiyak ang pagsunod sa mga itinakdang patakaran. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








