WORK PERMIT | Bilang ng mga OFW na nabigyan ng flexi visa Bahrain, umabot na sa higit 400

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umabot sa kabuuang 402 na mga problemadong Overseas Filipino Workers (OFWs) ang napagkalooban na ng flexi visa ng gobyerno ng Bahrain.

Layon nitong makapanatili at makapagtrabaho pa sa nasabing bansa ang mga undocumented OFWs.

Sa pinakahuling ulat ng Embahada ng Pilipinas sa Manama, ang work permit ay ipinagkaloob ng labor market regulatory authority ng Bahrain para sa mga overstaying at mga hindi dokumentadong OFWs kasama na yung mga nagpaso na ang mga kontrata.


Nangangahulugan lamang ito na maari pang makapagtrabahong muli ang mga OFWs kahit na walang employer o sponsor sa loob ng 2 buwan dahil sa flexi visa na hatid ng gobyerno ng Bahrain.

Maaari namang ipagpatuloy ng isang OFW ang pagbabayad sa kanyang work permit sa mga susunod na panahon habang sila ay nagtatrabaho na.

Facebook Comments