Naglabas na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng work stoppage order laban sa construction firm at subcontractors nito sa Sampaloc, Manila.
Ito ay kasunod ng pagkamatay ng 23-year old steelman matapos mabagsakan ng crane pulley mula sa ika-30 palapag ng itinatayong gusali.
Ayon sa DOLE – ang Momentum Construction and Development Corporation ay lumabag sa multiple occupational safety and health policies.
Ipinunto rin na walang specific instructions sa paggawa ng mapanganib na trabaho sa construction site, maging ang non-provision ng safety measures sa machine operations.
Lumabas din ang non-registration ng subcontractors ng construction firm sa Philippine Contractors Accreditation Board at kanilang non-compliance sa pagsusumite ng pertinent documents para sa occupational safety ng kanilang empleyado.
Nangako naman ang DOLE na tutulungan ang pamilya ng biktima.