Work suspension, ipinatupad ngayong araw sa Kamara dahil sa masamang lagay ng panahon

Nagdeklara na ng suspensyon ng pasok o trabaho ngayong araw ang House of Representatives sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Nakasaad sa memorandum na inilabas ni House Secretary General Reginald Velasco na ibinase ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hinggil sa nagpapatuloy na masamang lagay ng panahon.

Nakasaad sa memorandum ni Velasco na suspendido rin ang plenary session at mga committee hearings.


Pinapayuhan ang mga kawani ng Kamara na manatili sa kani-kanilang tahanan at maging ligtas.

Kaugnay nito ay hindi na rin matutuloy ang nakatakdang pulong balitaan ngayong araw ng ilang kongresista.

Facebook Comments