Manila, Philippines – Hindi na kakailanganing kumuha ng work permit ang mga batang itatampok sa mga public entertainment o information related projects.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang batang talents na isasama sa mga documentary material ay hindi na kailangan ng working child permit.
Pero paglilinaw ng DOLE, mapapabilang pa rin sa child labor ang mga batang talent kaya dapat isadya ng producer ang mga bata sa tanggapan ng ahensya para mabigyan ng karampatang serbisyo na kailangan nito at ng kanyang pamilya.
Mandato rin ng producer na protektahan ang pagkakakilanlan ng bata lalo na ang kanyang mga litrato at video footages.
Para naman sa group working permits, mag-iisyu ang labor office ng group permit para sa mga batang lalabas sa isang single project.
Sa ilalim ng bagong panuntunan, ang mga guardian o magulang ay kailangang makapagsumite ng parental authority at notarized affidavit.
Sa ilalim ng department order no. 65-04, ang public entertainment or information relate projects ay tinutukoy ang mga artistic, literary at cultural performances sa telebisyon, radyo, pelikula, teatro, patalastas, public relations activities or campaigns, print materials, internet at iba pang medium.