“PAIGTINGIN ANG PUBLIC HEALTH STANDARD SA TRABAHO” Ito ang inihayag ni Dr. Rheuel Bobis, Information Officer ng DOH-CHD1 dahil karamihan sa mga tinatamaan ng COVID-19 sa Ilocos Region ay nasa working sector.
Aniya, sila ang madalas na tinatamaan ng nakakahawang sakit dahil sila ang pwedeng lumabas at nai-expose sa mga positibong kaso.
Dahil dito pinayuhan ni Dr. Bobis ang mga working sector na hanggat maari huwag sabay sabay kumain at laging magsuot ng face mask sa trabaho.
Dagdag ni Bobis, kung sasakay man ang mga ito sa pampublikong sasakyan mag disinfect ng kamay at sundin ang physical distancing.
Facebook Comments