Nagpatupad ang Bureau of Immigration na malawakang pagkansela sa Working Visa ng Mahigit sa 500 mga dayuhan.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente , matapos ang kanilang post-audit sa mga Visa applications mula sa anim na mga kumpanya sa bansa nadiskubre na marami sa foreign employees nito ang nagsumite ng mga pekeng Alien Employment Permits o AEP.
Ang AEP ay ini-isyu ng Department of Labor and Employment , at isa sa mga prerequisite sa pagkuha ng Work Visa sa Immigration.
Hindi muna isinapubliko ng Immigration ang mga kumpanyang pinapasukan ng mga nasabing dayuhan dahil hindi pa natatapos ang kanilang imbestigasyon sa mga sister companies ng mga ito.
Karamihan sa mga kumpanyang ito ay nakabase sa Maynila, Paranaque, at Caloocan, at nasa Consultancy Business, Residential Sales, Tutorial, at Information Technology.
Kabuuang 528 foreign nationals ang kinansela ang mga work Visas dahil sa misrepresentation at fraud.
259 dito ay Indians, 230 Chinese, 14 Koreans, 11 Japanese, 5 Taiwanese, 3 Vietnamese, German, Burmese, Nigerian, Nepalese, Sudanese, at Yemeni.