Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos. Jr., na naging produktibo ang kanyang ilang araw na working visit sa Estados Unidos.
Aniya, siya at ang kanyang delegado ay iisa ang naging assessment sa working visit, ito ay ang magandang simula para sa mas maraming oportunidad sa Pilipinas na ikakabenepisyo ng bawat Filipino.
Sinabi ng pangulo na sa pagpapatuloy nang kanyang trabaho, masaya siya na ibalita sa bansa na naging maganda ang simula nang kanilang mga ginawa sa Estados Unidos.
Ilan sa highlight ng pagtungo ng pangulo sa Amerika ay ang pagdalo nito sa 77th United Nations General Assembly at pakikipagpulong sa mga world leaders at American business community.
Ilan sa mga natalakay sa mga pagpupulong na ito ay ang climate change, pagtaas ng presyo ng pagkain, rapid technological change, peaceful resolution para sa international disputes, migrants’ protection at promotion ng human rights.