Workplace inspection, palalakasin ng DOLE ngayong Kapaskuhan

Tututukan ng Department of Labor and Employment o DOLE ang mga pabrika at ilan pang pook pagawaan ngayong Kapaskuhan.

Ayon sa DOLE, ito ay para hindi makompromiso ang lagay at karapatan ng mga manggagawa sa mas malakas na kalakaran dulot ng holiday rush.

Pangunahing tinututukan ng DOLE ngayong Pasko na apektado ng holiday season ang manufacturing, construction, pyrotechnics at maging sa public transportation.

Kasabay nito, hinikayat naman ng DOLE ang mga manggagawa na maghain ng reklamo sa mga paglaban sa hotline na 1349.

Puwede rin umanong magreklamo sa mismong Facebook page ng kagawaran.

Facebook Comments