Workshop on 2017 GRDP estimation, isinagawa sa ARMM!

Upang matulungan ang regional line agencies na magkaroon ng mas komprehensibong mga datos na kinakailangan sa pagtaya sa 2017 Gross Regional Domestic Product (GRDP) ng ARMM, isang workshop na pinangasiwaan ng Regional Planning and Development Office (RPDO) – ARMM ang isinagawa.
Sinabi ni RPDO-ARMM executive director Engr. Baintan Adil-Ampatuan, ang naturang workshop ay idinisenyo upan maayudahan ang line agencies na mapahusay ang kanilang pamamaraan sa pagkuha ng total value ng mga kalakal at services sa rehiyon.
Anya sa pamamagitan ng workshop ay magkakaroon ng wastong pagtaya sa GRDP rate ng ARMM.
Ang Philippine Statistics Authority (PSA) ay nagbigay din ng impormasyon tungkol sa tamang kalkulasyon ng GRDP.
Pagsasama-samahin ng RPDO-ARMM ang lahat ng nalikom nilang administrative data mula sa mga line agencies sa ARMM.
Tumutukoy ang GRDP sa kabuoang dami at halaga ng mga produkto at serbisyo sa isang bansa o rehiyon sa loob ng isang buong taon.

Facebook Comments