Inaprubahan na ang 500 milyong dolyar na pautang ng World Bank para sa bansang Pilipinas. Ito ay kaugnay pa rin sa paglaban ng bansa sa COVID-19.
Ayon sa pamunuan ng World Bank, inaprubahan ang nasabing pautang upang mapalawak ng bansa ang pagtugon sa mga pangangailan ng nasasakupan nito sa kasagsagan ng krisis sa COVID-19.
Dagdag nito, lalakas din ang kapasidad ng bansa na tumugon at makabangon sa oras ng kalamidad.
Ito na ang ikatlong beses ng tumanggap ang bansa ng Risk Management Development Policy Loan. Naunang nakatanggap ng loan mula sa world bank noong 2012 at 2015.
Samantala, nasa 4, 076 na ang positibong kaso ng bansa kung saan 203 na ang namatay at 124 naman ang gumaling na.
Inaprubahan na ang 500 milyog dolyar na pautang ng World Bank para sa bansang Pilipinas. Ito ay kaugnay pa rin sa paglaban ng bansa sa COVID-19.