World Bank, naglaan ng 100 million dollars sa DOH para sa COVID-19 response

Naglaan ang World Bank ng 100 million dollars fast-track loan sa Department of Health (DOH).

Ayon sa Department of Finance (DOF), magagamit ng DOH ang naturang pondo para magkaroon ng personal protective equipment (PPE) sa mga health care workers nito, kasama na ang testing at laboratory materials, quarantine areas, isolation rooms at iba pang kagamitan laban sa COVID-19 sa bansa.

Anila, maibibigay sa DOH ang pondo sa ilalim ng fast-track COVID-19 facility ng World Bank sa loob ng ilang linggo.


Facebook Comments