World bank, nangako na popondohan ang malalaking agri projects sa bansa – DA

Manila, Philippines – May Commitment na ang World Bank para pondohan ang apat na  proposed projects ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, dahil dito mapapalakas pa  ang Agri-Fishery Extension Systems sa bansa gayundin ang pagbibigay ng  livelihood assistance sa mga mangingisda at  indigenous peoples.

Kasama na rin dito ang pag- update sa National Farmers’ Registry System.


Kabilang sa mga proposed projects ng DA ang $200-million Provincial Agricultural at Fishery Extension Delivery System; $200-million Coastal Resilience and Fisheries Development Project at $100-million Mindanao Inclusive Agriculture Development Project.

Ang unang proyekto ay bagong proposal lamang habang ang huling dalawa ay ine-evaluate na ng world bank.

Kaugnay nito, hihilingin na rin ng DA sa world bank na magkaloob ng technical assistance sa critical policy matters tulad ng sa pagbuo ng rice value chain industry road map.

Iprenisenta na ng DA  ang mga tinalakay na mungkahing  proyekto sa mga opisyal ng world bank.

Facebook Comments