World Boxing Association, ibinasura ang apela ni Pacquiao na ibalik sa kaniya ang korona

Nagdesisyon ang World Boxing Association (WBA) na ibasura ang apela ni Sen. Manny Pacquiao na ibalik sa kaniya ang korona o ang kasalukuyang title status nito.

Matatandaan, inalis ng WBA ang titulo ni Pacquiao na welterweight champion at idineklara siyang “Champion in Recess” matapos mabigong madepensahan ang korona sa loob ng dalawang taon.

Ibinigay naman ng WBA ang welterweight belt sa next in line na si Yordenis Ugas ng Miami, USA.


Maaalala rin na noong Mayo ay naghain ng apela si Pacman sa reinstatement ng kaniyang korona sa WBA matapos ianunsyo ang Pacquaio-Spence showdown sa Agosto 21 na gaganapin sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

Samantala, wala naman magiging epekto ang naging desisyon ng WBA sa nalalapit na laban ni Pacquiao kontra Spence at tatangkaing pa nito agawin ang dalawang korona na hawak ni Spence na IBF at WBC welterweight belt.

Facebook Comments