Tinalo ng Philippine Men’s Team ang Slovakia, 2.5-1.5 para maitala ang upset win sa ikalawang round ng 43rd World Chess Olympiad sa Batumi, Georgia.
Unang kinuha ni GM Julio Catalino Sadorra ang full point pagkatapos ng 37 moves ng Catalan Opening kontra kay GM Christopher Repka sa top board.
Hindi naman nagpahuli sa board 2 si GM John Paul Gomez na pinadapa naman si Tomas Petrik sa 65 moves ng Ruy Lopez opening.
Tumabla naman si IM Jan Emmanuel Garcia kay IM Victor Gazik habang nabigo naman si FM MJ Turqueza kay IM Martin Nayhebaver sa 41 moves ng Sicilian Defense.
Sa third round, makakaharap ng mga Pinoy chesser ang 18th seed at all-Grandmaster team na Croatia.
Facebook Comments