WORLD CHESS OLYMPIAD | Philippine national teams, nagposte ng 4-0 panalo

Umarangkada ang kampanya ng Pilipinas sa 43rd World Chess Olympiad sa Batumi, Georgia.

Nagtala ng 4-0 panalo ang men’s team sa pangunguna ni GM Julio Catalino Sadorra kontra San Marino sa pagbubukas ng Olympiad.

Panalo rin sina IM Haridas Pascua, IM Jan Emmanuel Garcia at FIDE Master MJ Turqueza.


Hindi naman nagpahuli ang women’s team na blinangko rin ang Mozambique, 4-0. Nagposte ng mga panalo sina WGM Janelle Mae Frayna, WIMs Catherine Secopito, Shania Mae Mendoza at Antoinette San Diego.

Makakaharap ng men’s team ang malakas na Slovakia habang makakaduwelo naman ng women’s team ang Slovenia sa second round mamayang ala-siyete ng gabi, oras sa Pilipinas.

Target ng men’s team ni GM Eugene Torre na makapasok sa top 30 sa torneo habang top 25 finish naman ang asam ng women’s side ni GM Jayson Gonzales.

Facebook Comments