World class na Manila Zoo, bubuksan sa Disyembre

Bubuksan na sa darating na Disyembre ang bagong world class Manila Zoo, ang pinakamatandang zoo sa Asya na matatagpuan sa lungsod ng Maynila.

Sinabi ni Manila City Mayor Isko Moreno na magkakaroon na ng safari, aviary, reptiles, glass close interaction sa mga tigre, at primates tulad ng unggoy.

Dagdag pang atraksiyon ang pagkakaroon ng butterfly farm na katulad ng nasa Dubai.


Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Moreno ang iba pang kapwa opisyal na maisakatuparan ang pagpapaganda ng dating Manila Zoo.

Facebook Comments