World food price, nakapagtala ng high record nitong buwan ng Pebrero

Nakapagtala ng record high ang presyo ng mga pagkain sa pandaigdigang merkado nitong buwan ng Pebrero.

Ito ang inihayag ng United Nation Food Agency matapos makapagtala ng 24.1% na pagtaas kasunod ng pagsipa ng presyo ng vegetable oil at mga dairy product.

Batay sa Food and Agriculture Organization’s (FAO) food price index na syang nagmo-monitor ng globally traded food commodities, nasa average 140.7 ang naitalang puntos nitong buwan ng Pebrero, mas mataas sa 135.4 points noong Enero.


Ilan sa dahilan ng pagtaas ng presyo ng pagkain ay ang patuloy na nagaganap na krisis dahil sa COVID-19 pandemic.

Kasabay nito, nagbabala ang FAO na mas lalong makaapekto sa mahihirap na bansa ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin.

Facebook Comments